Konklusyon At Rekomendasyon Sa Pagtaas Ng Presyo Sa Pamilihan

Konklusyon at rekomendasyon sa pagtaas ng presyo sa pamilihan

Rekomendasyon sa Pagtaas ng Presyo

1. Kompetisyon

Ang pagbubukas ng ating bansa sa mga karagdagang kompetisyon ay isa sa mga paraan upang mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Batid natin kung paano mas pinapabuti ng mga negosyante at pinapababa ang presyo ng kanilang mga produkto lalo na kapag mayroon silang kakompetensiya upamg mas tangkilikin ang sa kanila.

Kung malusog ang kompetisyon sa isang merkado mas makakapili ka nang pinaka-mainam na produkto na pinaka-sulit na halaga.

2. Pagdagdag sa Suplay ng mga Bilihin

Mas maraming suplay ng isang produkto mas mababang presyo ang lalabas sa merkado.

Madalas nating mababalitaan na bumibili o nag-aangkat ang ating pamahalaan ng maraming kaban o suplay ng bigas mula sa ibang bansa upang mabalanse o maibalik sa normal ang mga presyo nito sa ating bansa.

Gayundin ang mga karne ng manok at baboy.Ito rin ang nagsisilbing solusyon natin laban sa hoarding ng mga negosyante.

3. Pagtatakda ng Ceiling Price o Limitasyon sa Pagpapataas ng Presyo ng Bawat-Produkto

Ang dahilan kung bakit kailangan pang dumaan sa legal na proseso sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin tulad ng de-lata o asukal ay upang matukoy kung sapat baang basehan ng pagtaaa nito at upang masigurado ng pamahalaan na hindi ito tataas sa itinakdang ceiling price at kung tumaas man ay magawan ng adjustments upang hindi labis na dumanas ng hirap ang mga konsyumer lalo na sa pangunahing pangangailangan sa araw-araw.

4.Tangkilin ang Sariling Atin

Ang mga produktong iniaangkat natin ay dumaan sa pagkahaba-habang mga legal na proseso at gastusin dahilan para isingil nila ang mga ito sa pagtataas ng presyo ng kanilang produkto.Sa pagtangkilik ng sariling atin o lokal na produkto na gawa ng mga kapwa nating Filipino hindi na kinakailangan pa ng mga pagkamilya-milyang biyahe na ginagamitan ng gasolina ,tao na siyang nag-aasikaso at iba pa na mga salik na nagpapataas ng presyo ng mga bilihin.Sa ganitong paraan makagagawa ng mga dekalidad at may kwalidad na produkto ang ating mga kapwa Filipino.

Konlusyon sa Pagtaas ng Presyo ng mga bilihin

1.Mas Liliit pa ang Kakayahan ng mga Konsyumer na makabili ng Maraming Produkto.

Sa pagtaas ng presyo ay unti-unting pagbaba ng bilang ng ating mga nabibili.Halimbawa kung ang isang tali ng sitaw ay Php 5.00 subalit matapos magkaroon ng pagtaas ng gasolina ay dumoble ang presyo nito at naging Php 10.00.Mula sa Php 15.00 na badyet mo kung saan nakabibili ka ng tatlong tali ng sitaw noon.Isa tali nalang ng sitaw ang kaya mong bilhin ngayon.

2.Ang Pagkamatay o Pagkalugi ng mga Maliliit na Negosyo o Kompanya

Karamihan sa mga maliliit na negosyante ay hindi kinakayang harapin ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina sapagkat lumiliit ang kanilang kinikita sa pagkonti ng bilang ng kayang mabili o bilhin ng mga konsyumer mula sa kanilang produkto bunga ng pagtaas ng presyo ng mga ito.

3.Mahina ang kompetisyon sa merkado.

4.Ito ay Epekto ng Hoarding

5.Ito ay epekto mang hindi pagtangkilik ng sariling atin.

6.Ito ay epekto ng pagbaba ng suplay ng mga partikular na bilihin.

7.Ito ay epekto ng pagtaas ng gasolina o mga hilaw na sangkap.


Comments

Popular posts from this blog

Papaano Natamasa Ng Japan Ang Moderninasyon?

Paano Na Aapektuhan Ang Mga Gawain Nang Mnlf Ang Ekonomiya