Paano Na Aapektuhan Ang Mga Gawain Nang Mnlf Ang Ekonomiya

Paano na aapektuhan ang mga gawain nang mnlf ang ekonomiya

1.Turismo

Dahil sa mga pagdukot ng mga dayuhan nababahiran ang ating Turismo.Nagkakaroon ng takot ang mga turista na bumisita sa ating bansa.

Makakatulong sana ang turismo sapagkat naglalabas ng pera ang mga dayuhan sa kanilang pamamalagi sa ating bansa kaya mas lumalaki ang napapaikot na pera sa ating kalakalan .

2.Trabaho o Opurtunidad

Dahil sa panganib na malugi sila dukutin o manakawan ,malaki ang pag-aalinlangan ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan na magtayo ng mga negosyo sa ating bansa partikular sa Mindanao sa takot na manakawan sila o wala nang dumayo sa lugar na mga lokal at dayuhang turista sapagkat delikado ang kanilang kaligtasan.

3.Sinisira ang mga kabuhayan

Laging nilang iniiwang walang-wala ang mga lugar na pinagdadaosan ng mga digmaan o engkwentro sa pagitan nila at ng militar, patay na mga alagang hayop,wasak na mga istraktura ,buhay na nasasayang at iba pa.

4.Ang Nasasayang na Badyet

Amg daoat na inilalaan na limpak-limpak na pera para sa ibang mga pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan para sa ating mga mamamayan bumabagsak ito sa pantustos sa pakikidigma sa mga kapwa kababayan nating mga ito.

5.Pagkamatay ng mga negosyo

Dahil sa mga paulit-ulit na nangyayaring gulo o hindi pagkakaintindihan laging mga negosyante ang natatamaan hanggang sa hindi na lang din sila ang sumuko kundi maging ang negosyo nila sa paulit-ulit na pag-ahon at pagbagsak ng mga ito.


Comments

Popular posts from this blog

Papaano Natamasa Ng Japan Ang Moderninasyon?

Konklusyon At Rekomendasyon Sa Pagtaas Ng Presyo Sa Pamilihan