Ano Po Ang Magandang Maidudulot Ng Political Dynasty Sa Pilipinas?
Ano po ang magandang maidudulot ng political dynasty sa pilipinas?
Political Dynasty
Ang political dynasty o dinastiyang political ay ang pagtatag ng isang pamilya ng kapangyarihan sa pulitika o gobyerno sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga miyembro ng pamilya sa pulitika. Madami ng kaso ng political dynasty sa Pilipinas. Karamihan sa mga ito ay sa lokal o mga barangay o lalawigan lamang ngunit mayroon din naman sa nasyonal na gobyerno ng Pilipinas. Ito ay ang mga pamilyang Marcos, Aquino, Estrada, Binay at marami pang iba.
Mga Magandang Naidudulot ng Political Dynasty
- Ang mga proyekto o batas na may magagandang epekto sa Pilipinas ay madaling naipapatupad dahil sa malawak na kapangyarihan sa pamahalaan.
- Ang mga aktibidad ng pamahalaan ay suportado ng mga mamamayan dahil alam nilang mapagkakatiwalaan ang kanilang lider. (Hindi naman natin iboboto ang isang taong hindi maganda ang family background sa pamahalaan, hindi ba?)
- Ang mga proyekto o batas na hindi naipagpatuloy/nasimulan ng nakaraang administrasyon ay maipapagpatuloy ng ibang miyembro ng pamilya na uupo sa puwesto.
#BrainlySummerChallenge
Comments
Post a Comment